Ang Nox Player ay isang android emulator na ginagamit upang malaro mo ang mga android na laro at paganahin ang mga android app sa iyong computer.
Maari mong i-download ang app ng Nox Player gamit ang mga sumusunod na link sa ibaba.
Paano I-install ang Nox Player:
- I-download ang Nox Player sa iyong Windows PC o Mac mula sa mga link sa itaas
- Hanapin ang installation file sa iyong computer at pindutin upang magsimula ang proseso ng pag-install. Tumatagal lamang ito ng ilang minuto.
- Kapag natapos na ang pag-install, pindutin ang Start para buksan ang Nox Player at maghintay (tatagal lang ito ng ilang minuto para ma-load nang buo)
Paano Gamitin ang Nox Player:
- Pagkatapos mong i-install ang Nox Player gamit ang mga hakbang sa itaas, pidutin ng dalawang beses ang icon ng Nox player app para ilunsad ang app.
- Bubuksan nito ang Nox Player at sisimulang i-load ang operating system ng Android.
- Kapag lumabas na ang home screen ng Nox Player, dapat makakita ka ng ilang app, kabilang ang Google Play Store, Browser, Nox App Center, at higit pa, tulad ng ipinapakita sa ibaba.
- Pindutin ang Google Play Store at iayos ang iyong account – pindutin ang kasalukuyang Account at mag-log in gamit ang mga detalye sa iyong Google log in o pindutin ang Bago at sundin ang mga hakbang sa screen.
- Sundin ang mga in-app na tagubilin upang tapusin ang pag-set up ng iyong account, at, sa huli, makikita mo ang PlayStore.
- Sa kanang gilid na bar ng Nox Player, marami ka pang makikitang opsyon, kabilang ang paglilipat ng mga file mula sa iyong Mac o PC patungo sa Nox at pag-install ng mga .apk na file. ( Larawan sa ibaba: ACMarket App na gumagana sa isang Windows laptop gamit ang Nox Emulator )
Mga Tampok sa Nox Emulator:
- Mabilis at Swabeng Gameplay – Ang bilis ay palaging mahalaga at sa ngayon ang Nox player ang pinakamabilis na nakita namin at bukod sa lahat ay swabe. Ang settings ng pagganap ay nacu-customize na pwedeng tukuyin ng mga gumagamit ang bilang ng CPU at laki ng memory (RAM). Para sa karaniwang gumagamit, sapat na ang 1.5GB RAM at 2 CPU, ngunit pwede ka pang magdagdag.
- Pagkakatugma ng Controller – Kung mahilig kang maglaro sa computer, alam mo na ang pagkakaroon ng pisikal na controller ay mas maganda kaysa sa touchscreen device. Sa Nox emulator, ang suporta ay nakapaloob sa lahat ng 3rd party na controller, kabilang ang suporta sa Xbox 360.
- Emulation ng Android Device – Tunay na emulation, kasama ang iyong numero ng IMEI, modelo ng telepono at numero ng telepono, bukod sa iba pang tampok na partikular sa device.
- Root Access – Hindi madaling sa lahat ng emulator na makarating sa root, ngunit ang Nox Player ay rooted na ng SuperUser mula pa sa simula, na nagbibigay sayo ng access sa iyong mga file sa PC.
Paano Ayusin ang Error sa Nox Player:
- Hindi Updated ang Graphics Card
Ang pinakasimpleng paraan para ayusin ito ay i-update ang mga driver. Maaari mong gawin ito nang manu-mano o i-install ang Driver Booster o isa pang awtomatikong pang-update ng software na ginagawa ito para sa iyo.
- Problema sa Nox at iyong Antivirus
Ang mga gumagamit ng BitDefender, Avast o iba pang third-party na antivirus software ay maaaring magkaproblema kapag nag-i-install ng Nox Player. Kung ang iyong tagapagpahiwatig sa pag-install ay tila tumigil sa 99%, kakailanganin mong pansamantalang hindi paganahin ang antivirus o isama sa eksepsyon ang Nox Player sa software.
- Problema sa Nox at Windows Defender
Ang parehong patakaran ay nalalapat sa Windows Defender, ang Microsoft ay may sariling antivirus program; kung nakikita nitong banta ang Nox Player, kakailanganin mong pansamantalang hindi paganahin ito o gumawa ng eksepsyon para dito.
- Ayaw Gumana ng Nox Player Installer
Karaniwan itong nangyayari sa mga gumagamit ng Mac; bagaman na-download na ang installer, ayaw nitong gumana at ang paraan para ayusin ito ay i-rigth-click ang icon at manu-manong buksan ang installer.
- Mag-install ng Lumang Bersyon ng Nox Player
Kung mayroon kang problema sa pinakabagong bersyon ng Nox Player, mag-install ng mas lumang bersyon na tugma sa iyong system.
Mga madalas na Katanungan:
- Ano ang Nox Emulator?
Ang Nox emulator ay isang software na gumagana sa iyong computer upang makapag-install at gumamit ng android .apk file. Gumagawa ang Nox emulator ng virtual na android na telepono sa iyong computer kung saan pwede kang maglaro ng mga Android game tulad ng PUBG o Fortnite at samantalahin ang paggamit ng keyboard at mouse ng iyong desktop computer. Kung mayroon kang malakas na PC, magkakaroon ka ng malakas na android emulator.
- Bluestacks kontra sa Nox Emulator – Ano ang Pagkakaiba?
- Bagama’t ang Bluestacks ay ang pinakamalaking Android emulator para sa PC, dahil sa kamakailang update nito ay naiwanan itong nahuhuli sa pagganap sa paglalaro at bumababa ang FPS. Sa kabilang banda ang Nox emulator ay kasinghusay din ng Bluestacks para gamitin sa paglalaro ng mga laro sa Android at wala itong mga lag o mga crash sa pagganap. Binibigyan ka ng Nox Player ng kakayahang maglaro ng ilang laro nang sabay-sabay nang walang mga isyu sa pagganap.
- Mas madaling i-root ang Nox Player kaysa sa Bluestacks.
- Maraming nakukuhang sistema ang Bluestacks sa iyong computer tulad sa CPU, RAM at espasyon sa imbakan. Sa kabilang banda, ang Nox Player ay mas magaan na emulator. Ang Bluestacks ay may napakabigat na kinakailangan sa system at kung ikaw ay dumaranas ng mga isyu sa pagkakatugma, ang Nox emulator app ay ang pinakamahusay na alternatibong opsyon.
Parehong mahusay na Android emulator ang Bluestacks at Nox Player, sa kabila ng lahat may ilang kapansin-pansing pagkakaiba.
- Libre ba ang Nox Emulator?
Oo, libre i-download ang Nox App para sa Windows at Mac computer.
- Virus ba ang Nox Player?
Hindi, ang Nox Player ay ligtas na i-download at sinubok para sa katapatan at kaligtasan. Ito ay walang anumang malware o spyware.
- Paano ako maglalaro ng mga laro sa Nox Player?
Maaari kang maglaro sa Nox Player sa pamamagitan ng pag-download ng .apk na file na laro sa iyong computer at pagkatapos ay buksan at i-install ito sa iyong computer gamit ang Nox emulator app.
- Paano ko aalisin ang Nox Player?
Madali lang tanggalin ang Nox Player sa iyong computer. Pumunta lamang sa Control Panel > Uninstall Apps at tanggalin ito mula doon. Sa Mac naman, pumunta sa to Finder > Applications at tanggalin ang Nox app mula doon.
- Bakit Lag ang aking mga Laro sa Nox Player?
Mayroong ilang mga dahilan kung bakit maaaring mangyari ito, at dapat mong tugunan ang mga ito upang malutas ang isyu.
- Hindi sapat ng inilalaan na memory o RAM sa Nox Player.
- Mababa ang performance processor
- Luma na ang mga driver ng graphics card
- Ang pagkakasalungat sa pagitan ng Nox Player at ng iyong antivirus
- Bakit Laging Nagka-crash ang mga Laro sa Nox Player?
Maaaring may ilang dahilan kung bakit ito nangyayari, ngunit ang pinakakaraniwang dahilan ay ang mga lumang driver ng graphics card at mga isyu ng hindi pagkakatugma. Upang malaman kung ano ang sanhi nito sa iyong system, paganahin ang System Diagnostics.
- Bakit bumababa ang FPS ng mga Laro habang gumagamit ng Nox Player?
Sobrang nakakainis ito para sa mga manlalaro, at malamang na ang salarin ay ang mga driver ng GPU at graphics card. I-update ang iyong mga card driver at tiyakin na itinakda mo ang Nox player sa mataas na performance na paraan. Maaari mo ring baguhin ang mga setting na nakapaloob sa laro ayon sa detalye ng iyong system.
- Paano ayusin ang “Hindi Makakonekta sa Network” na Error?
Ang isa pang karaniwang isyu ay lumalabas kapag sinubukan mong kumonekta sa internet mula sa Nox Player. Ang pag-aayos ay nangangailangan ng pagbabago sa mga setting ng DNS (Domain Name Server) sa pamamagitan ng pagbabago ng mga setting ng iyong Wi-Fi o computer. Maaari kang gumamit ng mga libreng serbisyo ng DNS, gaya ng OpenDNS, Cloudflare DNS, at Google Public DNS.
- Pinababagal ng Antivirus ang Nox Emulator
Nalaman ng mga gumagamit ng panlabas na antivirus software, gaya ng ESET NOD, Kaspersky, Norton, o Avast, na nakakasagabal ang software sa bilis ng emulator, na nagpapabagal nito. Ang pinakamahusay na paraan upang matukoy kung ito ang iyong isyu ay pansamantalang huwag paganahin ang real-time na proteksyon ng antivirus. Kung bumilis ang Nox Player, alam mong iyon ang isyu at kakailanganin mong idagdag ang Nox sa iyong firewall bilang eksepsyon o pagbubukod. Mangyaring muling paganahin ang iyong antivirus kapag nagawa mo na ang pagsusuri.
- Paano Ayusin ang Problema ng Black/White Screen sa Nox Player?
Mayroong dalawang paraan upang ayusin ito. Una, Kung bumilis ang Nox Player, alam mong iyon ang isyu at kakailanganin mong idagdag ang Nox sa iyong firewall bilang exception o exclusion. Mangyaring muling paganahin ang iyong antivirus kapag nagawa mo na ang pagsubok.pumunta sa mga Setting > Performance > Graphics Rendering Mode at pumili ng bagong pamamaraan halimbawa OpenGL o DirectX. I-save at pagkatapos ay i-restart ang Nox; kung magpapatuloy ang isyu, ilagay sa mataas ang iyong NVIDIA o AMD graphics card performance at i-update ang iyong mga driver kung kinakailangan.
- Paano ko ikukonekta ang controller sa Nox Player?
- Ikonekta ang controller sa iyong PC gamit ang USB cable
- Kapag na-i-konekta na, may lalabas na icon ng Controller sa kaliwang tuktok ng screen ng Nox.
- Pindutin ang icon ng Controller at ang magbubukas ang mga Setting.
- Baguhin ang mga Setting kung paano mo gusto – kontrol ng karakter sa pamamagitan ng analog-stick, mga epekto para sa maraming strike at marami pang iba.
- I-save ang mga setting at handa ng gamitin ang controller.
- Paano Ko Aayusin ang Virtual Machine Failed to Start?
- Una, i-reboot ang iyong PC at pagkatapos ay isara ang firewall at anti-virus software.
- Ikanang pindot ang icon ng Nox at piliiin ang Buksan ang Lokasyon ng File
- Pindutin ang “Nox” para bumalik sa File Folder ng Nox, pagkatapos ay pumunta sa folder na pinangalanan na “noxvm.”
- Sa folder ng emulator, pindutin ang noxvm na file.
- Kapag nagbukas ito, makikita mo ang isang bagay na tinatawag na NOXVM – ikanang pindot at piliin ang Run as Administrator.
- Mawawala na ang Error.
- Paano Ko Aayusin ang Error 1005: Luma ang iyong Graphics Card?
- Buksan ang Multiplayer at subukang itakda ang paraan ng pagsasalin bilang DX o OpenGL. I-restart ang Nox Player.
- Kung hindi pa naresolba ang isyu, kakailanganin mong i-update ang driver ng iyong graphics card gamit ang mga app tulad ng Driver Booster.
- Kung hindi nito maaayos ang isyu, hindi tugma ang iyong graphics card sa mga kinakailangan ng system ng emulator – ang tanging solusyon doon ay bumili at mag-install ng bagong card.
- Paano Ko Aayusin ang Error 1006: Ang Nox ay Kinakailangan I-reboot
- Isinasaad ng error na ito na gumagamit ka ng lumang bersyon ng Nox Player – i-download ang pinakabagong bersyon ng Nox Player app mula sa mga link sa itaas.
- Kung ikaw ay nasa pinakabagong bersyon, baguhin ang paraan ng pagsasalin ng graphics (tingnan sa itaas) sa alinman sa DX o OpenGL at subukang muli – dapat itong gumana.
Kung may makaharap ka pang ibang mga isyung na hindi nabanggit dito, huwag mag-atubiling sabihin sa amin ang tungkol sa mga ito sa kahon ng seksyon ng mga komento sa ibaba at gagawin namin ang aming makakaya upang magbigay ng solusyon.
Mga Marka ng Gumagamit: