Gusto mo bang paganahin ang mga paborito mong Android app at laro sa iyong PC o Mac? Ang kailangan mo lamang ay ang BlueStacks Player.
Ang BlueStacks ay isang libreng Android emulator upang makapaglaro ka ng laro sa Android sa iyong PC o Mac, tulad ng PuBG at Fortnite.
Paano i-download ang BlueStacks:
- Pindutin ang isa sa mga link na nasa itaas upang ma-download ang BlueStacks sa iyong computer
- Hanapin ang file sa iyong computer at pindutin ito
- Pindutin ang Agree sa Mga Tuntunin at Kondisyon
- Pindutin ang Install
- Piliin ang pag-install ng Online o Offline – ang online ay ilang minuto, ang offline ay hindi bababa sa 15 minuto
- Ngayon hintayin ang BlueStacks hanggang ma-install
Paano Gamitin ang BlueStacks App:
- Pindutin ang Start upang mabuksan ang BlueStacks at payagan itong mag-load at mag mag-set up – ito ay maaaring tumagal ng ilang minuto
- Kapag tapos na ito, makikita mo ang home screen ng BlueStacks – mayroon na itong ilang app na naka-install, kabilang ang Play Store
- Piliin ang Play Store at i-set up ang iyong account – gamitin ang iyong kasalukuyang Google account or mag-set ng bago
- Sundin ang anumang direksiyon sa screen upang makumpleto ang pag-setup – kung gusto mo, maaari mong laktawan ang pag-setup at i-install pa rin ang mga file
- Kapag tapos na ang lahat, ang right-hand sidebar ay magpapakita ng maraming pagpipilian, kabilang ang paglilipat ng file, pag-i-install ng mga APK, at marami pang iba
Mga Katangian ng BlueStacks:
- Suwabe, Mas Mabilis na paglaro – ang bilis ay priyoridad, at ang BlueStacks ay isang napakabilis na emulator, at isa sa pinaka suwabe. Lahat ng settings ng pagganap ay pwedeng baguhin, maging ang pagtakda ng bilang ng CPU na gagamitin at RAM. Para sa karaniwang laro, pumili ng dalawang CPU at 1.5 GB RAM
- Pagkakatugma sa mga Panlabas na Controller – para sa karamihan mas madaling gamitin ang controller sa paglaro, at ang BlueStacks ay may buong pagkakatugma para sa lahat ng panlabas na controller, isang bagay na hindi inaalok ng karamihang Android device.
- Device Emulation– ginagaya ng BlueStacks ang iyong Android device, kabilang ang numero ng telopono, modelo, numero ng IMEI, at higit pa, pati na rin ang maraming katangian na partikular sa device.
- Root Access – kasama ang SuperUser, ang BlueStacks ay naka-root sa simula pa lang, upang mapadali ang pag-access sa iyong PC o mga files sa Mac
Mga Madalas na Katanungan:
- Ano ang Bluestacks?
Ang BlueStacks ay isang computer program upang magamit mo ang mga Android app sa iyong computer. Ginagaya nito ang Android Mobile OS sa iyong computer upang magamit ang mga Android app at mga laro
- Gaano kalitas ang Bluestacks?
Ang BlueStacks ay ligtas na i-download at gamitin. Ito ay maaasahang Android emulator app.
- Paana I-uninstall ang Bluestacks?
Ang BlueStack app ay pwedeng i-uninstall mula sa iyong Mac at Windows PC, tulad ng ibang computer program. Maaari mong makuha ang mga detalye upang i-uninstall ang isang program sa PC sa naka-link na pahina at sa Mac OSX computer dito.
- Ano ang mga disbentaha ng Bluestacks?
Ang BlueStacks ay medyo mas mabagal kaysa sa iba pang Android emulator app tulad ng Nox Player.
- Paano aayusin ang Bluestacks na tumigil sa pag-load?
- I-restart ang iyong computer.
- Tignan kung ang virtualization ay gumagana sa iyong system at napunan ng iyong computer ang pinakamababang kinakailangan ng system. Tignan ang video na ito.
- Magbakante sa RAM ng computer at dagdagan ang inilalaan na RAM sa BlueStacks.
- Tignan at i-upgrade ang iyong computer graphics drivers sa pinakabagong bersyon.
- I-configure ng tama ang iyong antivirus.
- Paano ko mai-install ang Bluestacks sa aking Mac?
Maaari mong i-install ang BlueStacks sa iyong Mac computer sa pag-download ng app mula sa link sa itaas at i-install ito kasunod ng mga ibinigay na hakbang.
- Ang aking PC ay 32-Bit. Aling Bersyon ng BlueStacks ang Kakailanganin ko na Gagana sa 32-Bit Android Apps?
Dapat mong i-download ang 32-bit na bersyon ng BlueStacks
- Ang aking PC ay 64-Bit. Aling bersyon ng BlueStacks ang Kakailanganin ko na Gagana sa 64-Bit Android Apps?
Dapat mong i-download ang 64-bit na bersyon ng BlueStacks, at dapat mong paganahin ang VT sa iyong computer
- Paano Ko Kokopyahin ang mga PC file sa BlueStacks 4?
- Ilunsad ang BlueStacks at pindutin ang opsyon na Library
- Ilunsad ang System Apps
- Pindutin ang Media Manager
- Sa popup para sa Import Windows File to Android, pindutin ang Open kapag nahanap mo na ang file na gusto mong i-import
- Dapat ay makita mo na ang iyong file sa BlueStacks
- Ano ang Settings ng BlueStacks para sa PuBG Mobile?
- Kung gusto mong maglaro ng PuBG Mobile sa iyong PC, kailangan mo munang mag-set up ng kaunti:
- Buksan ang BlueStacks at pumunta sa kanang bahagi ng screen; pindutin ang icon na Bulb
- Ang window ng gabay sa laro ay bubukas; pindutin ang Settings, at makikita mo ang ilang pagpipilian upang mag-tweak
- Pindutin ang In-Game Resolution upang baguhin ang resolution ng laro. Kung mas mataas ang iyong itinakdang resolution, mas maraming system resources ang magagamit ngunit, mas maganda ang graphics
- Pindutin ang Graphics Quality upang tukuyin ang environment elements sa laro. Ang HD graphics ay nagbibigay sa iyo ng mas matalas na texture, ngunit mas magagamit nito ang graphics card
- Ang pagpindot sa Learn More ay magbibigay sa iyo ng impormasyon tungkol sa lahat ng settings ng laro.
- Pindutin ang Save Changes kapag tapos na sa pag-tweak at pagkatapos ay i-restart ang laro para mailapat lahat ng ito.
Mga Marka ng Gumagamit: